MALAYA

About Me

...gaya ng ibon ako'y malaya, sasabihin ko ang gusto ko, ang totoo... walang makakapigil sa'ken...
your name:

url:

your message:

July 27th, 2004

~MALAYA

Posted by malaya at 07:28 AM on July 27, 2004 as a stickied post.

.... tuLad ng ibon, malaya akong makakalipad saan ko man gustuhin

.... tuLad ng taong grasa, wala akong pakialam sa mundo, may sarili akong mundo, ako ang hari.

.... tuLad ng saranggola, malaya akong lilipad sa kalangitan

... tuLad ng lobo, bitawan mo, kusa akong lilipad tungo sa aking kaluluguran...

... tuLad ng isang maLaya, sasabihin ko ang gusto ko, ang totoo, walang kokontra, waLang pakialaman, dahil sa pagkakataong ito, ako ay MaLaya!!!!

NatuTuLog pa ang MunDo

September 17th, 2004

~ THE OTHER SIDE OF PAIN ~

Posted by malaya at 04:46 AM on September 17, 2004.

Im an obsoLete beiNg
ethereaL.
UnreaL.
Those Euphemisms
has gotten into my head...
im in stupor
susceptible.
vulnerable.

im Lost in thiS
obLique paradise,
dismantLed by the thought
of you leaving.
i tried to feign that
im amorphous.
emaciated by the
maLady you cause.

im nowhere in between.
im in oblivion.
stripped naked of truth,
with nothing but sordid soliloquy
running through my head...

i am an obsolete being.
ethereal.
unreal.
i can't be hurt.
i can't feel pain.

NatuTuLog pa ang MunDo

September 6th, 2004

~ YES, I AM ~

Posted by malaya at 03:13 AM on September 6, 2004.

INsipid thoughts
useLess mind
yes, i am
delusioned...

aStoundiNg acts
craviNg for more
yes, i am
uncontented...

numb heart
deaf ears
yes, i am
apathetic...

stagnant lies
strong words
yes, i am
unconvinced...

moronic feelings
mortified being
yes, i am
stupid...

NatuTuLog pa ang MunDo

August 26th, 2004

sick sad messed up world -by King

Posted by malaya at 10:29 AM on August 26, 2004.

[this was written during the hype of that super typhoon... nagkita kami ni best friend amidst the strong winds and heavy downpour. tapos nakita pa niya si lawrence. ayun, habang nagpapatila ng ulan, tambay kami sa internetan. at eto ang kabaliwan namin...]

pucha nagsama sama ang mga broke... its a stormy day,school is out and so our damn allowances too... shit man ang fucking boring ... college is suppose to be fun,but why are we here stuck on a dead place with nothing to do... pero in the middle of this tawa paren ng tawa tong si roxy at si lawrence.. sabi nga ng isip ko gutom lang tong dAlawang to...

pero suddenly i got my grooves on,pinatug tug si mase and diddy... mo money mo problem is the song... i began to wonder... siguro para sa kin mo money mo beer!!! puta... isang lingo na akong hinde nasasayaran ng alak... roxy puwede ba tayo pumunta kina nansie dahil miss ko na siya...

ROXY:

tinext mo na siya?! anu ba sabi?!

Oo nga no?! isang linggo nbng wlang alak?! gin pa! "nimfa" magkatunog!!! anung say mo lorenz?

LAWRENCE:

Leche ka roxi!! Nimfa? d mo gayahin si robert walamg kwenta!!

ROBERT:

ti next ko kaso busy yata siya or tulog or hinde ko alam kasi hinde po siya nag rep...sang ayon ako lawrence wala akong kwenta

ROXY:

Tara na gutom na ako... Try natin pumunta sa kanila... SI lawrence magaling sumayaw ayaw ilabas...


LAWRENCE:

Ulol dud di tutuo yon!!! may kwenta ka para kay Juliana... hehehe walang nakaka alam kung sino un!! [nagtawanan kaming lahat]

ROBERT:

tama yan!!! dapat....dapat..... ayos lang tayong tatlo dito.... teka lang dadaan si kiko.... putanginamo dean mamatay ka na bullshit

ROXY.

kiko pengeng saging... tara na gutom na ko...

LAWRENCE:

Bigla ko naisip umg I.D ko.. saka na yan tara!!

ROBERT:

dude wag kang magagalit tingin ko kinuha ni timmy yun..... azuzzzzzzzzzzzzzzz ... pucha biro lang

ROXY:

si robert may SA [secret admirer] kaso bading!! hehehe kilala mo di ba?! alis na tyo! okei tama na.
hanggang sa muli!

NatuTuLog pa ang MunDo

August 9th, 2004

~ PRIMARY HEALTH CARE ~

Posted by malaya at 02:00 PM on August 9, 2004.

Kakatapos lang namin
mag return demo.
bumalik na ako sa classroom.
Lima lang kami.
Si Paolo, nakatulala.
Si JEn, may sariling mundo.
Si Teresa, nakikinig ng music
sa cellphone niya.
si Nemo [KINg], nakahiga sa teacher's table
naglalaro ng cellphone.
Ako, sinusulat ito.
Bumukas ang pinto.
Pumasok si Mitch.
Ang beinte anyos naming kaklase
pero utak dose.
Usap sila ni Jen.
Animo'y nababaliw na ang mga tao dito.
HIndi ko alam kung dahil
ba sa lima lang kami
o sa lamig ng aircon.
Si Paolo gumagawa ng star.
Si nemo busy kakakuha ng picture niya sa cellphone.
Nang biglang pumasok si edcel.
Lalabas sana ule.
Pero nagbago ang isip.
Tinawanan si nemo sa kanyang ginagawa.
HIndi niya matanto kung siya ba'y
uupo o tatayo.
Siya'y naupo.
Si jen at mitch, tila nagkakahulugan ng loob.
Si teresa, busy pa rin sa pakikinig sa kanyang
cellphone.
Pag walang nagsasalita,
tila palengke sa kabilang classroom
ang lakas ng boses ng teacher nila.
Nagsuklay ng buhok si teresa.
Si edcel nakatitig kay paolo.
Pumasok si ate sonia
na may dalang envelope.
Natawa siya.
Nagalok ng peras.
Pero isa lang.
Maghati na lang daw kami.
Sayang, hindi dala ni Paolo ang swiss knife niya.
Si teresa kumakanta pa rin
Nadadala sa pinakikinggang musika.
Si edcel, lumipat ng pwesto
dala pa rin ang kanyang bag,
siguro may ginto sa bag niya
kaya di nya mabitawan.
Si nemo, lumabas.
dumudugo daw ang kanyang gums.
hala!
may gingivitis ata!
Pumasok si anna.
Sexy talaga!
hindi halata sa edad niya.
Sumunod si Ena
at cyrine.
Nagtanong ako kung uwian na...
"HIndi Pa" sagot ni Anna.
Pumasok si Blair
kasama si mel.
Unti-unti na kaming
dumadami.
Bumalik na si Nemo.
Nahiga ule sa teacher's table.
Pumasok si JOanne.
Si edcel ule.
Pumasok si Kim.
Binigay ni ate sonia ang peras.
Pumasok si jean.
Binentahan sila ni ate sonia ng polboron.
Hawak ko ang peras.
Binato ko kay Paolo.
Lumabas si Ate Sonia.
Nagpasalamat ang dalawa.
Busy na naman ang mga tao.
May kanya-kaniyang ginagawa.
Si nemo, nagsasalita
ng may polboron sa bunganga.
Si kim busy kakapose sa digicam ni ena.
Maraming nagtatanong
kung para saan ang aming ginagawa.
"tabulas" sagot ni Paolo.
Lumabas si nemo
para mangiinggit ng polboron.
Kinuha ni Nemo ang bolpen sa ken.
tinuloy niya ang aking ginagawa.
Eto ang kanyang mga sinulat.
Pumasok si Mitch.
Uwian na daw.
Sabi ni Roxy tumingin daw ako.
tapos bigla na lang
pumasok si tin tin
na mahilig sa sex [hehehe]
Lumabas si paolo
para hugasan ang peras
na binigay ni ate sonia.
pumasok si clifford,
may dalang cake
at sinubuan si tin tin
at pati ako.
Bumalik si paolo
dala ang peras na hinugasan
at binigyan kami ni roxy.
sa sobrang dami kong sinusulat
hindi ko napansin na nandito
ang aking mga kaibigan
kasama si ate noemi
na naonood sa aking kagaguhan.
Masaya ang buong paligid.
kanya-kanyang dakdakan.
tinawag ni paolo si clifford
para alukin ng diyaryo.
Natawa ako sa sarili ko.
Masayang nagpipicture taking si joanne
at si kim.
Pumasok si Jammy, mitch at edcel.
Pumasok na si sir.
Kinuha ko na ang bolpen kay Nemo
para tapusin na ang tulang ito.
Patapos na ang klase
Patapos na rin ang gabi.
Bukas, may PCARE ule.
Currently feeling: accomplished

2 huLog ng Langit

August 5th, 2004

~ ISANG MADALING ARAW SA MINISTOP VICENTE CRUZ ~

Posted by malaya at 07:40 AM on August 5, 2004.

alas tres y media na
andito pa rin kami
sa loob ng ministop
si neri,
busy sa kanyang cellphone.
nagtataka kung ano ang problema
battery o signal ba.
Nakaubos na kami
ng isang coke in can
kalahating mineral water
at presto vanilla creams.
Ang mga tao dito
parang nagdadabog.
bigla na lang may nagbabagsakan.
di namin matanto
kung puyat at pagod lang ba sila
o naiinis na sa amen.
kinse minutos ang lumipas
may pumasok na babae.
si nerio, busy pa rin.
yung kahera, busy rin.
nagkatitigan kami.
nagtawanan.
naglalaban ang ingay
ng mga jeep sa labas
at kanta dito sa loob sa ministop.
Halos magiisang oras na
nang iwan
kami ng dalawa naming kasama.
Marahil nakarating na sila sa kanila
nakahiga sa malambot na kama
at kumportableng natutulog na.
Samantalang kami,
andito pa rin.
Kailangan magtiis at indahin ang mga
kalampag at dabog na naririnig.
Andito kami.
isang madaling araw sa loob ng ministop.
nagpapalipas ng oras.
habang ang mundo ay tulog.
Nagkatitigan kami ule ni Neri.
Tila nagkakabasahan kami ng isip.
Gusto na naming matulog.
pero hindi pwede.
Pilit namin pinipigilan
ang aming mga mata sa pagsara.
pilit naming inaaliw ang aming mga sarili.
pilit naming tinatawanan ang kawalan.
pilit naming pinapaniwala ang mga sarili
na hindi talaga kami ang dahilan
ng pagdadabog ng mga ngtatrabaho dito.
HIndi kami aalis.
isang oras pa.
marami pa ang pwedeng mangyari.
alas kwatro y media na.
kakatapos lang namin kumain.
di na namin matiis.
marami na kaming napagusapan.
mga balak.
mga pangarap.
na balang araw sana ay matupad.
ilang minuto na lang.
gising na ang maynila.
gising na ang mundo.
bagong umaga.
bagong pag-asa.
sa wakas,
kami'y makakauwi na
at makakatulog na.

NatuTuLog pa ang MunDo

August 2nd, 2004

~ JUST LIKE THAT ~

Posted by malaya at 05:27 AM on August 2, 2004.

Staring into these blank sheets
letting the pen write
words came out
-just like that.

One day
i was staring
at the big blue sky
letting myself be one
with the clouds
when from nowhere
you came out
-just like that.

One night
i was staring
at the big dark sky
letting myself
wish upon a star
when suddenly
you left me
-just like that.

One morning
i was staring
into these blank sheets
letting the pen wrote
my last goodbye
my life ended
-just like that.

NatuTuLog pa ang MunDo

~ MUNDO KO ~

Posted by malaya at 05:02 AM on August 2, 2004.

sa mundong ito
ako ang hari.
walang magdidikta
walang mapanuri.
dahil sa pagkakataong ito
akin ang mundo
Hawak ko ito
walang pwedeng manggulo
HIndi mababago ng aking nakikita
ang takbo ng aking utak
at galaw
Dahil nabubuhay ako
sa paraang gusto ko.
at magagawa kong
gabi ang araw
at hawak ko
ang mga tala sa kalangitan.
walang kokontra.
dahil sa pagkakataong ito,
akin ang mundo.

NatuTuLog pa ang MunDo

~ HINDI KASI AKO MAGANDA ~

Posted by malaya at 04:53 AM on August 2, 2004.

HIndi kasi ako maganda.
Maganda?
Bakit?
anO ba ang batayan ng pagiging maganda?
makinis na balat?
matangos na ilong?
mapungay na mata?
manipis na labi?
maganda magdala ng damit?
maraming pera?
Matagal na akong nagtataka
animo'y napakalaking kasalanan
ang pagiging HIndi maganda.
Tatawanan ka patalikod
Ngingitian ng pagkatamis-tamis
pag nakaharap.
Anung magagawa mo?
Wala.
May mali sayo.
Yun ang lagi mong iniisip.
Pero ikaw,
lahat ng nais mo, nagagawa mo,
wala kang pakialam sa sasabihin nila
wala kang inaalala
dahil kung ano ka,
yun ka.
YUn nga lang,
di ka maganda.
Pero hindi yun ang mali sayo.
May mali.
Pero wala sayo.
Nasa kanya.

NatuTuLog pa ang MunDo

July 28th, 2004

~ END ~

Posted by malaya at 05:04 AM on July 28, 2004.

-END-
silent requiems
i recite to myself
as i face the conviction
set upon me.
i wont surrender
neither will i give in
to what you ask for.
im alone
but im not scared
im in remorse
for you can't stand
by your word.
As i close my eyes
i let myself drift
to the words you've said.
i realized...
there's somethig more
succulent than this demented end.

NatuTuLog pa ang MunDo

« Newer | »